Estudyante
palang ako nun nung una akong nasaksihan ang pagdalaw ng imahen ng Ina
ng Santo Rosaryo sa Letran Calamba, nang sumunod na pagdalaw ay naging
bahagi na ako ng preparasiyon, naalala ko nun nang araw na ng kanyang
paglisan, hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan, kahilera ko ang
aking mga kasamahan at pinapanopod ang pagbuhat pabalik sa kanyang
sasakyang karosa. Hindi naging madali para sa akin ang masaksihan ang
ganito, napuno ako ng emosyon at ng luha ang aking mga mata pero ramdam
ko na sa kanyang paglisan ay ang pagtugon sa aking mga panalangin,
naramdaman ko
ang ginhawa na tila dala niya ang lahat ng binitawan kong salita na
galing sa aking puso.
Hindi naglaon ay naging
panata ko na ang maging bahagi ng paghahanda at pag oragnisa sa kanyang
pagbabalik sa eskuwelahan ng Letran Calamba, isang biyaya para sa akin
ang ganitong pagkakataon. Alam ko isa lang ako sa mga libo-libong
deboto na namamanata sa kanya, hindi lang siya mahabagin na Ina kundi
mapagaruga rin tulad ng pag-aalaga niya sa kanyang anak na si Hesus.
Ilang
henerasyon na ang nakalipas, may matanda, may bata, at may mga kabataan
na hindi humihinto na naniniwala sa kanya, sa pamamagitan niya ay
diringgin ng Panginoon ang hikbi at bulong ng ating isip at damdamin.
May mga pagkakataon man na nawala ako sa landas na dapat kong tahakin,
naniniwala ako na ako ay karga at yakap ng Mahabagin na Ina.