"Si Nanay Maria"
Eddie Mar Rico
Imus, Cavite  

 

Noong nakaraang taon pa ang litratong ito, fiesta nuon sa Cavite City.  Bago pa lang yung simbahan nila, actually di pa nga sya tapos nung nagpunta ko dyan. Yung design nila sa harapan eh billboard, printed.

Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag tong litrato, basta ang alam ko nung nakuhanan ko to eh may kakaiba kong naramdaman. Bigla pa ngang tumingin si Father pagkakuha ko ng litrato eh sabay abot si manang saken ng picture ni Mama Mary tapos sabi ko “magkano po?” un kasi ung madalas na nagyayari kapag may nag-aabot sayo sa may simbahan pero sa pagkakataong yun. Umiling sya at sinabing “libre yan iho”.  Hindi naman ako ganong nagulat at simula nun, yung picture ni Mama Mary eh lagi ko ng kasama. Nakalagay sya sa wallet ko pero mas madalas na nakalagay sya sa bag ko. Binabasa ko din ung dasal na nakasulat sa likod.

Simula ng mapasa-aken ang litrato ni Mama Mary na inabot saken ni manang matapos kong mapictyuran si Father na nasa harap ni Mama Mary ay naging lalong mas mabuti ang mga pangyayari sa buhay ko tulad ng pag-aaral ko. Naipasa ko ang isa sa mga subjects na talagang alanganin ang grades ko.

Ang litratong ito ay nagpapakita kung paano tayo pwedeng lumapit kay Birheng Maria kung saan lagi naman syang andyan para gumabay sa atin.

 

free counters


























 

 

We are closely monitoring visitors IP address for VOTE VERIFICATION. Thank you! 

 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola